Nadagdagan ang parangal na matatanggap ng beteranang aktres na si Eva Darren matapos ang insidente ng pag-isnab sa kaniya bilang presenter sa 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS).

MAKI-BALITA: Matapos ‘bastusin’ ng FAMAS: Eva Darren, nagka-award agad

Bukod sa "Gawad Dangal Filipino Awards" na kumilala sa kaniya bilang "Most Empowered Veteran Actress of the Year," kasama siya sa line-up ng mga beteranang artistang kikilalanin at bibigyang-pugay sa 7th Eddys Awards na inorganisa ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

Ang SPEED ay isang non-profit organization na naitatag noong 2015, na binubuo ng mga dati at kasalukuyang entertainment editors ng iba't ibang lokal na pahayagan sa print man o online. Ang pangulo nito sa kasalukuyan ay si Salve Asis ng isang pahayagang tabloid.

Events

Priscilla Meirelles, kinoronahan bilang Noble Queen Nations 2024

Bukod kay Darren, pararangalan din ang mga batikang artista gaya nina Nova Villa, Leo Martinez, Gina Alajar, at Senador Lito Lapid.

Kikilalanin din ang kontribusyon sa larangan ng komiks, telebisyon, at pelikula ang yumaong manunulat at manlilikha ng komiks na si Carlo J. Caparas.