May parangal na matatanggap ang kamakailan lamang ay pinag-usapang beteranang aktres na si Eva Darren, sa pag-ingay ng kaniyang pangalan matapos na "mabastos" daw ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) dahil hindi natawag sa entablado para maging presenter ng parangal.

Nag-ugat ito sa pagsisiwalat sa Facebook post ng anak ni Eva na si Fernando Dela Peña, na kalaunan ay nakatanggap ng dispensa mula sa FAMAS. Tinanggap naman niya ang paghingi ng paumanhin ng award-giving body.

MAKI-BALITA: Batikang aktres na si Eva Darren, ‘binastos’ sa FAMAS?

MAKI-BALITA: FAMAS, nag-sorry kay Eva Darren

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

MAKI-BALITA: Anak ni Eva Darren, may tugon sa dispensa ng FAMAS

Sa inilabas na listahan ng "Gawad Dangal Filipino Award," ang matatangap na parangal ni Eva ay "Most Empowered Veteran Actress of the Year."

Bukod kay Eva, ang iba pang pararangalang nakalagay sa listahan ay sina Maricel Soriano, Roderick Paulate, Piolo Pascual, Alessandra De Rossi, Pokwang, Aiko Melendez, Dingdong Dantes, Marian Rivera, at marami pang iba.