Nagbahagi ng isang bible verse ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial matapos kumalat ang tsikang nasa exclusively dating na sila ng Kapamilya actor na si Richard Gutierrez.

Matatandaang kamakailan lamang ay naispatan silang magkasama sa South Korea, matapos silang makita ng mga Pinoy na naroon.

Sa showbiz vlog naman ni Ogie Diaz, natalakay niya ang ispluk ng kaniyang source na nagde-date na nga raw ang dalawa.

Anyway, ang bible verse na ibinahagi ni Barbie ay tungkol sa John 16:13 ng New International Version (NIV).

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mababasa rito, “But when he, the Spirit of truth, comes, he will guide you into all the truth. He will not speak on his own; he will speak only what he hears, and he will tell you what is yet to come.”

Photo courtesy: Barbie Imperial (IG)

Wala pang tugon, reaksiyon, pahayag, o kumpirmasyon mula mismo sa dalawa kung totoo bang nasa exclusively dating status na sila. Nagsimula ang tsika patungkol sa kanila noong Enero matapos maispatan si Richard sa isang gastropub sa Alabang, na ayon pa sa ulat ay isa si Barbie sa stockholders o may-ari nito. Kasagsagan ito sa isyung hiwalayan nina Richard at misis niyang si Sarah Lahbati.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Barbie Imperial exclusively dating na sey ni Ogie Diaz

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Barbie Imperial naispatang magkasama sa South Korea?