Nagbigay ng paglilinaw ang Kapamilya actress na si Loisa Andalio kaugnay sa naging pahayag niya sa paglalakbay nang mag-isa.

Sa ulat ng ABS-CBN News na inilathala kamakailan, sinabi umano ni Loisa na medyo bitin daw ang nauna niyang interview tungkol sa solo traveling.

“Medyo bitin talaga 'yong interview na 'yon. Ang opinyon ko do’n parang for me, kung ako mag-so-solo travel grabe siguro 'yong pinagdadaanan ko para umabot ako sa mag-solo na lang kasi ako 'yong personality ko gusto ko kasama si Ronnie [Alonte] or 'yong friends or 'yong family,” pahayag ni Loisa.

Dagdag pa niya: “Hindi ko nilalahat, sa akin lang 'yon. Kung na-misinterpret ng iba, sorry. Opinion ko 'yon. May opinion din sila nirerespeto ko din.”

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Matatandaang nagbigay ng reaksiyon at komento ang mga netizen kamakailan dahil hindi raw niya maintindihan ang mga taong nagso-solo travel.

MAKI-BALITA: Netizens, nag-react sa pananaw ni Loisa Andalio tungkol solo travel

Bukod dito, sinabihan din si Loisa ng GMA headwriter na si Suzette Doctolero na mahina raw siyang nilalang.

MAKI-BALITA: Suzette Doctolero, nag-react kay Loisa Andalio tungkol sa solo traveling