Naintriga lalo ang mga netizen sa real-score nina basketball player Kobe Paras at Kapuso star Kyline Alcantara.

Sa Instagram story kasi ni Kobe nitong Huwebes, Mayo 30, shinare niya ang isang Instagram post ni Kyline kung saan makikita ang mga picture nito. 

Photo Courtesy: Screenshot from Kobe Paras (IG)

At hindi lang ‘yon, nag-comment pa siya ng heart sa naturang post ni Kyline. Nakakaloka, ‘di ba?

Tsika at Intriga

Payo ni Valentine kay Chloe: 'Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo!'

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang komentong ito ni Kobe. Narito ang ilan sa kanilang hanash:

“hoyyyy anuebaaa🤨”

“May pila po 😂”

“hala ka inlove sya”

“confirmed.”

“omggg😱😍”

“wasaaak”

Matatandaang bago pa man ito ay naintriga na ang mga netizen dahil sa Instagram story at post ng dalawa kamakailan na tila pahiwatig na magkasama sila sa iisang lugar.

MAKI-BALITA: Kyline Alcantara, Kobe Paras iniintrigang magkasama sa iisang lugar

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag sina Kyline at Kobe para kumpirmahin o pabulaanan ang kanilang relasyon.