Pormal na nagsampa ng kasong cyber libel ang aktor na si Dominic Roque sa showbiz columnist na si Cristy Fermin sa Office of the City Prosecutor ng Pasig City.

Ayon sa ulat ng GMA News nitong Biyernes, Mayo 31, ang mga malisyosong pahayag umano ni Cristy sa “Showbiz Now Na” ang naging basehan ng aktor para idemanda ang showbiz columnist.

Bago pa man ito, nauna nang pabulaanan ni Dominic sa pamamagitan ng inilabas na pahayag ng Fernandez & Singson Law Offices noong Pebrero ang mga paratang ni Cristy sa kaniya.

MAKI-BALITA: Dominic Roque, pumalag na sa mga iniisyu sa kaniya ni Cristy Fermin

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Matatandaang bukod kay Dominic, nagsampa rin ng parehong kaso ang ex-fiancee niyang si Bea Alonzo kay Cristy at sa showbiz insider na si Ogie Diaz kasama ang mga co-host nito.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz