Isang magnitude 5.0 na lindol ang yumanig sa probinsya ng Davao Occidental nitong Biyernes ng umaga, Mayo 31, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:54 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 75 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 97 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Kiamba, Malungon, at Glan, SARANGANI; City Of Digos, DAVAO DEL SUR.

Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.