May sentimyento si ‘It Showtime’ host Vice Ganda tungkol sa mga taong niloloko ng kanilang karelasyon.

Sa latest episode ng ‘EXpecially For You’ nitong Miyerkules, May 29, ikinuwento ang naging conflict sa relasyon nina Marielle at Zander.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Si Zander daw kasi ay patuloy pa ring gumagamit ng dating app habang sila pa ni Marielle noon. Inamin niyang may mga nakakausap pa siyang iba bukod sa girlfriend niya.

Dahil dito, nagkaroon din ng trust issue si Marielle—bagay na hindi raw masisisi sa kaniya.

“Wala ka naman kasi talaga magagawa. You cannot do anything to assure you na hindi ka maloloko kasi at the end of the day ang desisyon para manloko wala naman sa’yo eh nandoon sa kabilang tao, nasa kaniya. Kahit gaano ka pa kahigpit, kahit gaano ka katinong tao eh, hindi ka makakasigurong hindi ka maloloko. Ang desisyon wala naman sa’yo, doon sa magdedesisyon na manloko o hindi,” saad ni Vice Ganda.

“Tapos ‘yung tanong mo sa kaniya na bakit hindi mo na lang siya iniwan. May mga taong hindi nila bini-break kasi they like it. They like the feeling of mayroon na ako, mayroon pa akong iba. May mga taong nafi-feed ‘yung ego nila na ‘gusto nila akong lahat.’ They feel so powerful when they do that.

“Hindi nila pwedeng ‘oo nga ‘no bakit hindi ko siya hiniwalayan?’ Hindi. sinasadya nila ‘yun. They are fully aware. Aware na aware sila sa ginagawa nila and they liked it. May nakukuha siya, may nararamdaman siya na maganda doon sa ginagawa niya ine-enjoy niya ‘yon,” sentimyento pa ng It’s Showtime host.

Bagamat nasaktan at may trust issue, handa pa rin si Mariella na bigyan ng isa pang pagkakataon ang love. Dahil baka raw this time ay makahanap na siya ng tamang tao.