Sinita ng dating Comelec commissioner na si Rowena Guanzon ang "male emcee" ng nagdaang Miss Universe Philippines 2024 na nagpanalo sa kauna-unahang Filipina-Black American na kakatawan sa Pilipinas na si Chelsea Manalo ng Bulacan.

Aniya sa kaniyang X post nitong Mayo 29, "Sino ba yong male emcee sa Ms Universe Philippines na sigaw ng sigaw ? Dont hire him again. Nakakainis ang boses."

Photo courtesy: Rowena Guanzon (X)

Dahil inulan ng sita at memes ang main host na si Alden Richards, inakala ng mga netizen na siya ang tinutukoy niya dahil sa paraan ng pagbanggit niya sa lugar na nire-represent ng mga tinatawag na kandidata sa bawat top finalists.

Tsika at Intriga

Raquel niyabang katotohanan; 'All By Myself' ni Charice, di pa nahihigitan

Ngunit sa isa pang X post, ibinahagi ni Guanzon ang ulat ng isang entertainment site kung saan makikita ang larawan nina Alden at fashion/TV personality na si Tim Yap.

"The one in white," ani Guanzon, na tumutukoy kay Yap.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Yap tungkol dito.