Hindi na napigilang magsalita ng tinukoy na "young singer" na ipinalit sa beteranang aktres na si Eva Darren bilang presenter sa naganap na 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards Night sa Manila Hotel noong Linggo, Mayo 26.

Kinuyog kasi ng mga netizen ang pamunuan ng FAMAS dahil sa tant Facebook post ng anak ni Eva na si Fernando Dela Pena, kaugnay ng pang-iisnab sa madir niya bilang presenter, kahit na in the first place, sila naman ang nag-imbita sa kaniya kaya bumongga naman ang aktres para sa natatanging pagtitipong ito.

Isa sa mga nasisisi at pinagbubuntunan ng galit ngayon ay ang "young singer" na si Sheena Lee Palad na siyang naging partner ng batikang aktor na si Tirso Cruz III para magbasa ng mga nominado at kung sino ba ang nanalo.

Kaya naman sa pamamagitan ng social media ay agad na nagpaliwanag si Palad at ipinagdiinang wala siyang kasalanan kaya huwag siya ang sisihin sa mga nangyari.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Hi, Everybody!" mababasa sa caption ng kanilang video, kasama ang kaniyang boyfriend na si Johann Enriquez na siya namang nag-host ng event.

"I am Sheena Palad, the 'young singer' who was mentioned alongside Mr Tirso Cruz III. And we (Johann Enriquez and I) would like to give our statement regarding the situation."

"I am being harassed, maligned, called names and thrown offensive accusations today online and ALL I CAN SAY IS… Buti na lang may Lord Jesus Christ ako sa buhay ko. Honestly, Hindi ko kaya to! It’s also a lesson for everybody to not QUICKLY judge a person. And makes me think too that what I’m going through doesnt even come close to what my Savior had to go through when He suffered and died on the cross for me."

"Thank you po!"

Bago ang pagpapaliwanag, sinabi ng dalawa na ang kanilang empathy ay buong-buo para sa "nabastos" na aktres.

Sa video ay ipinaliwanag ni Sheena na kaya siya nagpunta sa awards night ay upang mag-perform sa "dinner pleasure," bagay na ginawa naman niya. Matapos ang kaniyang performance at makapagpalit ng damit, nilapitan daw siya ng staff para humingi ng pabor na kung puwede siyang mag-present ng award kasama si Pip.

Pumayag daw agad si Sheena dahil clueless siya na si Eva pala ang naka-assign pala rito.

Kaya nakiusap si Sheena na huwag na sana siyang i-bash dahil wala naman siyang alam sa mga nangyari, at sumusunod lamang siya sa instructions.

MAKI-BALITA: Anak ni Eva Darren, may tugon sa dispensa ng FAMAS