Naging inspirasyon ni Cavite 1st district Rep. Jolo Revilla ang pagmamahalan ng kaniyang mga magulang na sina Cavite 2nd district Rep. Lani Mercado-Revilla at Senator Ramon Bong Revilla, Jr.

Sa isang Facebook post nitong Martes, binati ni Jolo ang kaniyang mga magulang para sa 38th Wedding Anniversary nito.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Nais ko pong batiin ng Happy 38th Wedding Anniversary ang dalawa sa pinakamahahalagang tao sa buhay ko, Mama Lani M. Revilla at Papa Ramon Bong Revilla, Jr.!” anang mambabatas.

Dagdag pa niya, tinuruan daw siya nina Lani at Bong kung ano ang “true love” na naging daan para magkaroon ng “happy married life.”

“You have gone through so much together, you still stayed strong and raised our family up so well. You have shown all of us how true love, faithfulness, and God-centeredness can take a relationship a long way. You both taught me the true nature of love, and that led me to the happy married life that I now share with Angel,” sey ni Jolo.

“I wish both of you more great and happy anniversaries to celebrate. May you always stay happy, healthy, and in love together, Mama and Papa! We love you forever!”