Nagbigay ng pahayag si Divina Valencia kaugnay sa nangyari sa kapuwa niya batikang aktres na si Eva Darren sa gabi ng parangal ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.

Sa Facebook account ni Divina, makikitang ibinahagi niya ang apology statement ng FAMAS para kay Eva. Pero hindi siya kumbinsido sa inilatag nilang paliwanag kung bakit pinalitan si Eva bilang award presenter kasama si Tirso Cruz III.

MAKI-BALITA: FAMAS, nag-sorry kay Eva Darren

“Hindi ko matatanggap ang dahilang napakalaking katarantaduhan na hindi makita si Ms. Eva Darren Isa siya sa mga naunang dumating kasama ang kanyang 4 na apo. Umasang makikita ang kanilang GrandMa na papanhik sa stage na kasama si Mr. Tirso Cruz III,” lahad ni Divina.

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

“This excuse is so narrow It's a big BS. Para lang makagawa ng dahilan. Matapos na saktan ninyo ang damdamin ni Miss Eva Darren kasama ang mga apo na umasa pero nasaktan,” aniya.

Dagdag pa niya: “Nakaupo kami sa table 10- halos kaharap namin ang stage magkatabi kami ni Ms. Eva Darren and Marissa Delgado.Hindi malocate? E, lahat ng mga artistang dumating may upuang nakapangalan ng bawat nakaupo.”

Matatandaang nagsimula ang isyung ito matapos magsalita ng anak ni Eva na si Fernando de la Pena sa pamamagitan ng isang Facebook post.

MAKI-BALITA: Batikang aktres na si Eva Darren, ‘binastos’ sa FAMAS?