Nagpaabot ng pagbati ang “Black Rider” star na si Ruru Madrid sa jowa niyang si Bianca Umali nitong Lunes, Mayo 27.

Nanalo kasi si Bianca ng Best Dramatic Performance sa Jinseo Arigato International Film Festival dahil sa natatangi niyang pagganap sa “Mananambal.”

Sa Facebook post ni Ruru, sinabi niya na deserve daw ni Bianca ang pagkilalang natanggap nito dahil sa husay at dedikasyong pinakita ng jowa niya sa naturang pelikula.

“Sa kabila ng maraming pagsubok na hinarap mo, hindi ka nagpatalo at ngayon narito ka na, nagtatagumpay. Napakasarap sa puso at sobrang proud ako sa’yo dahil alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo para magawa ang pelikulang ito,” pahayag ni Ruru.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“Salamat, dahil muli mo akong binigyan ng inspirasyon na kahit anong pagsubok ang dumating, kaya natin itong malampasan basta maniwala tayo sa ating mga sarili at patuloy na manalig sa ating Ama! 🙏” aniya.

Pahabol pa ng aktor: “I love you so much, Mahal ko! I’m so very proud of you. Ikaw ang idol ko. ♥️ @bianxa” 

Tila going strong talaga ang relationship nina Bianca at Ruru sa kabila ng mga pang-iintriga ng mga netizen.

MAKI-BALITA: Bianca Umali, dapat kabahan sa pagpasok ni Angeli Khang sa ‘Black Rider?’

Matatandaang sa isang Instagram post ni Ruru ay nagpaabot siya ng sweet message kay Bianca para sa kanilang “seventy months of love, laughter, and endless adventures together.”

MAKI-BALITA: Bianca, dedma kay Angeli; habang-buhay mamahalin si Ruru