Talaga nga namang pagdating sa pando-dogshow kay Alex Gonzaga, hindi pahuhuli ang kaibigan niyang si Luis Manzano.

Sa latest Instagram post ni Alex, inupload niya ang entry niya para sa “Marimar” challenge na sikat din ngayon sa social media.

James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'

“Eto na ang jejeng Marimar si MARENGMAR,” saad ni Alex sa caption.

Mapapanood kasi sa kwelang entry ng vlogger-actress ang pagganap niya bilang si “Marimar” na may special participation pa ng kaniyang mister na si Mikee Morada na siyang gumaganap bilang Sergio Santibañez.

Komento ni Luis, “Sa tinagal kong nabuhay sa mundong to, ngayon lang ako nainis ng ganito.” na nagpatawa sa mga netizen.

Kaya ang sagot naman sa kaniya ni Alex: “e bakit di mo tapusin kung matagal ka na pala nabubuhay sa mundo.”

Hindi na bago sa dalawang ito ang dogshowan at pagbabardagulan sa social media.