Kinaaliwan ng mga netizen ang video clip ng "panggigigil" ng isang kandidata sa isang pageant sa Nueva Vizcaya matapos silang haranahin ng guwapong aktor at singer na si Ian Veneracion.

Isa si Ian sa mga naimbitahang celebrity sa idinaos na "Miss Saniata ti Nueva Vizcaya 2024" na ginanap noong Mayo 25.

Sa video, makikitang nilapitan ni Ian ang kandidatang si "Miss Diadi" na hindi na nakapagtimpi sa kilig at niyakap na si Ian.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Aliw naman ang mga kapwa kandidata at manonood sa kaniya dahil tila nakalimutan daw niyang nasa kompetisyon siya, lalo na nang kargahin na siya ni Ian.

Hindi naman ito nakaapekto sa kaniya dahil siya ang nanalo sa nabanggit na beaucon.