Lumulutang ngayon sa social media ang umano’y buradong poster ng list of presenters sa ginanap na 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards nitong Linggo, Mayo 26.

Sa Facebook post ng Goldwin Reviews nitong Lunes, Mayo 27, makikita ang screenshot ng netizen na nakapansing wala sa listahan ng mga presenter ang batikang aktres na si Eva Darren.

“The night before the event, FAMAS posted a photo list of presenters. Ms. Eva Darren was not in the photo,” saad sa caption ng Goldwin.

Usap-usapan na rin ang tungkol dito sa social media platform na X. 

Events

Rendon sa pagtakbo ni Diwata: 'Baka akala magluluto, magtitinda lang siya ng pares!'

Matatandaang naghayag ng sentimyento ang anak ng batikang aktres na si Fernando de la Pena dahil sa umano’y “pambabastos” ng mga opisyal ng FAMAS sa nanay niya sa mismong gabi ng parangal.

Naglabas naman ng pahayag sa parehong araw ang FAMAS upang humingi ng paumanhin sa nagawa kay Eva at ipaliwanag na rin ang kanilang panig.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, hindi na makikita pa sa Facebook page ng FAMAS ang inilabas nilang poster ng list of presenter noong bago mangyari ang gabi ng parangal.

MAKI-BALITA: FAMAS, nag-sorry kay Eva Darren

MAKI-BALITA: Batikang aktres na si Eva Darren, ‘binastos’ sa FAMAS?