Napansin ng ilang netizens na may bagong "gatasan" daw o pinagkakakitaan ngayon ang vloggers sa katauhan ng sumisikat na artistahing baked macaroni vendor sa Marikina, na kilala sa tawag na "Enteng."

Naitampok na kamakailan sa Balita si Enteng na talaga namang dinaragsa ng kaniyang mga parukyano hindi lamang dahil sa kaniyang masarap at malinis na paninda kundi maging sa kaniyang looks.

MAKI-BALITA: Baked mac vendor sa Marikina, pumukaw ng atensyon

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pati vloggers na nagtampok na rin kina "Diwata" at "Hiwaga" ay nagsasadya na rin sa kaniya upang i-content siya.

MAKI-BALITA: Artistahing baked mac vendor sa Marikina, ‘Bagong Diwata?’

Sabi ng isang vlogger na nagngangalang "Dj Lalah Sy," si Enteng na raw ang bagong "gatasan" ng vloggers ngayon lalo't mas approachable ito para sa isang collab o content.

"ANG BAGONG GATASAN NG MGA VLOGGER.

Kuya Enteng ang gwapong baked mac vendor sa Marikina," mababasa sa caption ng Facebook post.

"Ok the end na ang Diwata. Dito na tayo kay Enteng Kabisote," dagdag pa.

Umani naman ito ng reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Gatasan ng mga maliliit na vlogger nagtitinda iistorbohin nyo Buti sana qng bbgyan nyo ng porsyento sa kita nyo...tapos gusto nyo ngingiti sa inyo."

"Kung Saan nga ang pwedeng gatasan,Doon Tayo🤣😅🤣🤣."

"Ngayon nyo lang napansin, matagal na sya nagtitinda ng bake mac , porket tapos na kayo kay Diwata. Vlogger nga naman.."

"Pag hindi pinansin kasalanan pa ni vendor haha."

"lipat na mga vlogger sa mas mabait na pakikitungo ng isang mala anghel na ngiti na sasalubong sa inyo at sa mga suki."

"Okay next target tapos na kay Diwata hahaha."