Tinatayang 68.97% o 640 sa 928 examinees ang tagumpay na nakapasa sa May 2024 Chemical Engineers Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, Mayo 27.

Base sa tala ng PRC, tinanghal si Miguel Siapno Bungalon mula sa University of the Philippines-Los Baños bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 87.30% score.

Kinilala naman ang University of the Philippines-Diliman at De La Salle University-Manila bilang top-performing schools matapos silang makakuha ng 100% passing rate.

Binigay umano ng Board of Chemical Engineering ang naturang pagsusulit sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena at Rosales nitong Mayo 21 hanggang 23, 2024. 
National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador