Namataan daw na magkasama sa South Korea sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial, ayon sa ulat ng "Fashion Pulis."

Sa kanilang mga ibinahaging "resibo" na ipinadala ng isang "Fashion Pulis reader," makikita ang ilang mga kuhang larawan nina Richard at Barbie na minsan na ring na-link sa isa't isa.

Photo courtesy: Fashion Pulis (FB)

Photo courtesy: Fashion Pulis (FB)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Photo courtesy: Fashion Pulis (FB)

Matatandaang simula nang pumutok ang tsika ng hiwalayan nina Richard at Sarah Lahbati ay nagsimula na ring maugnay sa isa't isa sina Richard at Barbie.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz may isiniwalat tungkol kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, nilalandi ba ni Barbie Imperial?

Hinulaan pa nga ng mga netizen na magkasama ang dalawa sa isang bakasyon noong Holy Week.

MAKI-BALITA: Richard, Barbie iniintrigang magkasama dahil sa mga puno ng niyog

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Richard at Barbie tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.