Ibinahagi ni showbiz columnist Cristy Fermin ang sinasabi raw ng mga tao tungkol sa pinagmumulan ng malakas na sex appeal ng aktor na si Paulo Avelino.

Ayon kay Cristy, nagmumula raw ang malakas na sex appeal ni Paulo sa pagkakaroon niya ng imahe ng pagiging suplado at mailap.

“Alam mo ang kanilang nag-iisang sinasabi, ang malakas na malakas daw na sex appeal ni Paulo Avelino ay nanggagaling sa pagiging mailap niya at pagiging parang suplado kahit hindi naman,” saad ni Cristy.

“Totoo ‘yon, ano? Kapag ang lalaki may kailapan tapos hindi madaldal tapos dedma-dedma, lumalakas ang sex appeal, ano? Dugtong pa niya.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

“Sinabi mo pa, Nay,” segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika, “‘di ba nakita mo kapag iniinterbyu nga si Kim saka si Paulo, si Kim napakasaya. Pero si Paulo, kalmang-kalma. Kaunting-kaunti ang sinasabi.”

Pero paglilinaw ni Cristy, hindi naman daw talaga suplado at mailap si Paulo sadyang gano’n lang daw ang imahe nito. Sa katunayan, marespetong tao raw ang aktor lalo na sa mga press people. 

Matatandaang naiulat din kamakailan sa “Cristy Ferminute” si Paulo na ayon sa showbiz columnist ay wala pa raw planong makipagrelasyon dahil nakatutok pa ang buong atensyon sa karera bilang artista.

MAKI-BALITA: Paulo Avelino, hindi raw priority ang lovelife