Isang linggo matapos maikasal, ibinida ng aktres na si Mika Dela Cruz ang pagbili nila ng mga kasangkapan sa bahay ng mister na si Nash Aguas.

Ipinakita pa ni Mika kung paano nila ibalibag ang mga sarili sa kama na tinitingnan-tingnan nila. Sinabi rin ni Mika na excited na siya sa paglipat nila sa sariling bahay.

"Officially 1 week in as Mr. & Mrs. @zackwey 💍 Life update: here we are furniture hunting & just casually testing out mattresses the 'VALEVAG style' 🙈🤣📦🍃🐶," ani Mika.

"Can’t wait to move into our first home… soon ☝🏻❤️🌸🪴."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Himok naman ng mga netizen na sana raw ay gumawa ng vlog ang mag-asawa at ipasilip ang kanilang buhay may-asawa.

Isang netizen naman ang nagwalis sa intrigang buntis si Mika kaya agad na nagpakasal kay Nash. May buntis daw bang ibabalibag ang sarili sa kama?

Matatandaang ibinahagi ni Mika ang tungkol sa kasal nila ni Nash noong Mayo 18 sa kaniyang Instagram account.

MAKI-BALITA: Nash Aguas, Mika Dela Cruz ikinasal na!

Pinabulaanan naman ni Angelika Dela Cruz, ate ni Mika, ang mga kumakalat na tsikang buntis ang kapatid.

MAKI-BALITA: Angelika dela Cruz, pinabulaanan ang tsikang buntis si Mika