Naghayag ng reaksiyon ang Kapamilya actress na si Elisse Joson kaugnay sa pagganap ng partner niyang si McCoy De Leon bilang “David” sa primetime series na “FPJ's Batang Quiapo.”

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News noong Sabado, Mayo 25, sinabi ni Elisse na gabi-gabi raw niyang sinusubaybayan si David sa naturang teleserye.

"Yes gabi-gabi akong nanonood. Nakakainis in a way na nakaka-proud. He's come a long way," pahayag ni Elisse. 

Bukod pa rito, ibinahagi rin ng aktres ang tungkol sa acting development ni McCoy simula noon hanggang sa kasalukuyan.

James Reid, nagoyo ni Jeffrey Oh?

"Napag-uusapan namin 'yong ganun and it helps us both, minsan nag-ask ako sa kaniya like anong ginawa mo doon, paano mo ginawa 'yon tapos talagang nakaka bilib rin as me as an audience," wika niya.

Samantala, kung pag-uusapan naman ang kanilang relasyon, gusto raw muna nilang panatilihin itong pribado.

“We want to keep our private life private, what you see is what we just want to share," saad ng aktres.

Matatandaang matapos mapaulat ang hiwalayan nilang dalawa noong 2023 ay lumutang din kalaunan ang kuwento na muli silang nagkabalikan.

MAKI-BALITA: McCoy at Elisse, nagkabalikan nga ba?