Ibinahagi ng “King of Teleserye Theme Songs” na si Erik Santos ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nag-aasawa.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Mayo 24, inamin ni Erik na pumapasok din daw sa isip niya na lumagay sa tahimik lalo na’t ilang beses na raw siyang naiimbitahan sa mga kasal para kumanta.

“Pero honestly dahil po sa nangyari sa pamilya namin na hindi naman po lingid sa kaalaman ng iba, medyo nawalan po ako ng motivation, e.”

“Dumaan din po ako sa matinding pagsubok. So, hindi po ako masyadong naging vocal. Syempre, ‘yong mga panahon na ‘yon—and up until now—may mga episodes pa rin. It comes in waves, e,” wika niya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Kaya sabi ni Erik: “Siguro mas maganda na i-heal ko muna ‘yong sarili ko bago ako siguro makapagmahal ult nang buo.”

Napapansin din daw kasi ni showbiz insider Ogie Diaz ang ilang posts ni Erik ng mga larawan ng magulang sa social media accounts nito na tila pahiwatig ng pangunulila ng singer.

Matatandaang halos magkasunod na pumanaw ang ina at ama ni Erik noong 2022 at 2023.

MAKI-BALITA: Ama ni Erik Santos, pumanaw na

MAKI-BALITA: Kapamilya singer Erik Santos, nagluluksa sa pagpanaw ng kaniyang Nanay Lits