May cool na depensa ang aktres na si Andi Eigenmann sa mga pintas na natatanggap daw niya sa social media, na kesyo pabaya na raw siya sa sarili at hindi na nag-aayos simula nang maging sila ng surfer partner na si Philmar Alipayo.

Sa kaniyang Instagram account, pasimple at tila wafakels na sinabi ni Andi na "komportable" lang siya sa kung anuman ang hitsura niya ngayon lalo na kapag nasa bahay sila.

"Hat3rz would say, 'pinabayaan ang sarili. Hindi man lang mag ayos'.. I would say.., komportable chìc! Or.. Qrated pangbahay realness!😆" ani Andi.

"Pretty much the only thing I dont do on purpose is forget my slippers."

Tsika at Intriga

MUPH, kinondena pang-ookray ng vlogger kay Chelsea Manalo

Na-validate naman ng ilang netizens ang magandang pagtingin ni Andi sa kaniyang sarili.

"Kahit ano isuot mo mas maganda ka sa mga nagcocomment sa buhay mo ❤️ pangit na nga muka nila, pangit pa ugali 😂 lodi nga kita e"

"Hahaha I mean.. you look great either way.. so, why bother? 😝"

"I see this as more confident with your own self than dressing to please people. Be you!!!! ❤️"

"Their opinion does not matter. We love you because you are an authentic person 🥰"

"f it’s okay to be naked, I will be all the time 😂 with messy hair but heart full of happiness, contentment and peace. Some people will never understand us specially when it’s coming from the ego. ❤️✌️."