Nagbigay na ng reaksiyon at pahayag ang babaeng kausap ng surfer na si Phimar Alipayo, partner ng aktres na si Andi Eigenmann, matapos malisyahin ng mga netizen ang umano'y masyadong "closeness" ng dalawa habang nag-uusap sa isang pampublikong lugar.

Makikita sa TikTok video ni Crissa Liaging na habang magkausap sila ni Philmar ay topless ang lalaki at itinataas-taas pa ang braso.

Hindi rin nakaligtas sa mga mata ng netizen ang paghawak ni Philmar sa braso ng TikTok content creator-entrepreneur.

Sa ngayon, burado na ang original na uploaded TikTok video matapos putaktihin ng pang-iintriga mula sa mga netizen kahit umabot na ito sa milyong views.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero nang i-reupload na niya ito, may isinama na siyang komento ng isang netizen na isa sa mga nang-intriga.

"bakit dinelete yung video with Philmar?" mababasa sa komento ng netizen, na ginawang text caption ni Crissa.

May background music ito ng kantang "Weak" ng American R&B vocal trio SWV.

[embed]

Sa isa pang TikTok post, sinabi ni Crissa na huwag daw bigyan ng malisya ang pag-uusap nila ni Philmar, dahil wala pa raw siya sa kalingkingan ng ganda ni Andi.

"Ayaw ninyo butangi ug issue ang pag storya namong philmar wala rata ka kumingking sa ka gwapa ni andi! 🙃," aniya.

[embed]

Pinagsabihan ng mga netizen si Crissa na dumistansya siya sa pakikipag-usap kay Philmar nang ganoon kalapit sa isa't isa lalo't may mga anak sila ni Andi.

Kaya ang tanong ngayon ng mga netizen ay kung okay pa ba sina Andi at Philmar?

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Andi at Philmar tungkol dito.