Inamin ng negosyante at social media personality na si Jason Jay Luzadas o mas kilala bilang Boss Toyo na sobrang idol daw niya ang aktres na si Diana Zubiri.

Sa isang episode kasi ng “Unang Hirit” nitong Biyernes, Mayo 24, kumasa si Boss Toyo sa “Bentahan Challenge” ng naturang morning show.

Inusisa si Boss Toyo kung magkano niya bibilhin ang mga original costume ng dalawang bidang Sang'gre ng Encantadia na sina Alena, ginampanan ni Karylle, at Danaya, na ginampanan naman ni Diana.

“Ganito po talaga 'yong mga gusto kong binibili, actually. 'Yong mga gamit na post-production sa mga shows. Siguro kay Karylle, Alena, sagad ako dito mga ₱300,000, buo na,” pahayag ni Boss Toyo.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pero kung ang costume naman ni Diana ang tatanungin ay higit na malaki ang halaga nito para kay Boss Toyo. 

“[Si] Diana kasi, sobrang idol ko ito noong kabataan ko. Tumangkad ako dito. Tumangkad ako!” hirit niya.

Dagdag pa ni Boss Toyo, “'Pag dinala po niya sa akin ng kung sino po, kunwari ng production, ₱400,000 po. Pero kapag si Diana ang nagdala sa akin, baka ₱500,000. Sasagad ko po kapag nakita ko si idol. Diana Zubiri. Sobrang idol ko ‘yan.”

Gayunman, nilinaw ng host ng show na si Arnold Clavio na katuwaan lang umano ang pag-aalok nila ng mga costume kay Boss Toyo at hindi nila ito totoong ipinagbebenta.