Nakakaaliw ang ibinahagi ni singer-songwriter Ogie Alcasid tungkol sa creative and artistic differences nila ng asawa niyang si Regine Velasquez.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Mayo 24, sinabi ni Ogie na sinisita raw niya ang maling tono ni Regine kapag siya ang nagsisilbi nitong technician.

“Do you have creative, artistic differences?” usisa ni Boy.

“Oo naman,” mabilis at natatawang sagot ni Ogie. “Naku, sa recording kasi, ako ang lagi niyang technician. Tapos kapag tine-take ko siya tapos hindi niya naaabot or mali ang tono niya, mali.”

Relasyon at Hiwalayan

'Sila pa naman:' Cristine, Marco pinakaba lang ang netizens

“Nakikita ko naiinis na siya, e. 'Mali, wala ka sa tono.' Sabi niya: ‘Kilala mo ba kung sino ang kausap mo?’

'Oo, ikaw si Regine, di ba? Mali ka!'” dugtong pa niya.

Gayunpaman, ayon kay Ogie, ginagawa niya raw ang best niya kada araw para maging mabuting asawa kay Regine.

“Gusto ko I was better yesterday than today,” saad pa niya.