Kahanga-hanga ang dedikasyon at commitment ng singer na si Gigi De Lana dahil sa kabila ng bigat at lungkot na kaniyang dinadala ay itinuloy pa rin niya ang tungkuling makapag-perform.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Mayo 24, iniulat ni showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol sa ginanap na concert ni Gigi sa Saskatoon, Canada.

Ayon sa mensaheng nakarating kay Ogie: “She was really sad throughout the night and the reason she chose not to go home the next day was so she finished her commitments so she can take the earnings to pay for the bills of her mother’s medical bill and the funeral.”

“Talagang ano, kumbaga, the show must go on. Kahit may dinaramdam, may lungkot sa puso ni Gigi nagpaka-professional pa rin siya,” wika ng showbiz insider.

Rhian Ramos, itinangging ginagamit siya ni Sam Verzosa sa politika

Kaya naman, ipinaabot ni Ogie ang kaniyang pagsaludo kay Gigi dahil sa ginawa nito hindi lang sa nanay niya kundi pati sa mga tagahanga niyang umaasa sa kaniya.

Matatandaang kinumpirma ng singer ang pagpanaw ng nanay niya noong Mayo 14 sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Nanay ni Gigi De Lana, pumanaw na dahil sa breast cancer