Ibinida ng Kapamilya star at social media personality na si Ivana Alawi ang pagkain niya ng de-latang sardinas na kaniyang ineendorso.

Ipinakita ni Ivana ang pagkuha niya ng isang lata at ibinuhos ito sa kaniyang kanin. Pinigaan din niya ito ng calamansi at sinamahan pa ng siling labuyo.

Walang kiyemeng nilantakan ni Ivana ang kanin at ulam na sardinas habang nakakamay. Makikitang simot-sarap ang pinggan.

Paalala ni Ivana, anuman ang pagkaing nakahain sa hapag-kainan ay maituturing na biyaya, ubusin, at huwag sayangin.

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

"Halos lahat na yata ng Pinoy nakatikim na ng sardinas. Alam n'yo guys, basta may pagkain tayo blessing na 'yan. Kaya dapat nagpapasalamat tayo at siyempre huwag magsasayang ng pagkain..." paalala ni Ivana.

[embed]

Dahil dito, naalala ng mga netizen ang nag-viral na "sardines eating challenge" ng kontrobersiyal na content creator na si Tito Mars.

Pinutakti kasi siya ng mga netizen dahil sa ipinakita niyang reaksiyon sa pagkain ng sardinas.

Sa isang video naman ay ipinaliwanag ni Tito Mars na hindi raw niya binabastos ang pagkain ng mahihirap.

MAKI-BALITA: Tito Mars sa contents niya: ‘Kung ayaw n’yo, huwag n’yong panoorin!’

MAKI-BALITA: Tito Mars: ‘Di ko binabastos pagkain ng mahihirap!’

Anyway, ito naman ang reaksiyon at komento ng netizens sa pagkain ni Ivana ng sardinas.

"TITO MARS LEFT THE ENTIRE UNIVERSE"

"tito mars left the group 😂🤣🤪"

"Tito mars left the world 🤣🤣"

"See? Ivana na 'yan ha, tunay na mayaman. Maganda. Nagkakamay pa."

"what now Tito Mars Barako 😜"

Pati nga ang Kapuso comedy star-TV host na si Pokwang ay nagbigay na rin ng reaksiyon tungkol dito.

MAKI-BALITA: ‘Very evil!’ Pokwang ibinida pagkain ng sardinas, patutsada kay Tito Mars?