Hindi nagustuhan ng mga netizen ang naging biro ng isang kilalang coffee shop sa pagkapanalo ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo, matapos ikumpara ang kulay ng kandidata mula sa Bulacan sa isa sa kanilang panindang beverage.

Si Chelsea ay kauna-unahang Filipino-Black American na nagwagi sa MUPH na kakatawan sa Pilipinas sa Setyembre 2024, na gaganapin sa Mexico.

Sa ngayo'y burado nang post, sinakyan ng coffee shop ang pagkapanalo ni Manalo para sa promotion ng kanilang "dark choco" beverage.

Photo courtesy: Screenshot from BigBrew Main (FB)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matapos kuyugin ng netizens dahil sa tila "racist" na biro ay agad na naglabas ng opisyal na pahayag at paumanhin ang shop.

"Pasensya na ho kayo.

Dinelete po namin agad ang post as a sign of realization and regret.

Pangako, hindi na mauulit.

Mas magiging maingat sa susunod," caption nila.

Kalakip nito ang isang art card kung saan mababasa ang "SORRY PO! Hindi namin intensyon. Hindi namin uulitin. Pangako."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Manalo patungkol sa isyu.