Ibinida ng social media personality na si "Bryanboy" o tinatawag ding "Ninang" ang pagbili niya ng sardinas mula sa isang mamahaling brand na talaga namang ikinaloka ng netizens.

Sey ni Bryanboy, napanood daw niya ang content ni Tito Mars tungkol sa sardinas na ikinatuwa naman daw niya, kaya naisipan niyang bumili ng sardinas kahit hindi raw siya kumakain nito.

Ngunit hindi basta-basta ang sardinas na binili niya dahil galing lang naman ito sa "Louis Vuitton" na nagkakahalaga raw ng 18k euros, na kung iko-convert sa Philippine peso ay papalo sa higit ₱1M.

Aminado si Bryanboy na challenging sa kaniya ang pagkain ng sardinas dahil sa totoo lang daw, hindi siya kumakain nito. Kumakain naman daw siya ng isaw, ng kwek kwek, at Jollibee chicken joy subalit ang sardinas daw ay hindi.

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

Inilagay niya sa cracker ang sardinas na "limited edition" sa LV. Noong una ay tila hesitant pa siya kainin ito, subalit sa bandang dulo naman ng video ay nilantakan din. Nagustuhan naman niya ang lasa nito.

[embed]

Paalala pa niya, "Uy, huwag kayong mag-aksaya ng pagkain ha? Food wasting is bad."

MAKI-BALITA: Tito Mars sa contents niya: ‘Kung ayaw n’yo, huwag n’yong panoorin!’

MAKI-BALITA: Tito Mars: ‘Di ko binabastos pagkain ng mahihirap!’