Nilinaw ng TV host-actor na si Anjo Yllana ang rebelasyon ng ex-jowa niyang si Sheryl Cruz sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan.

Sa eksklusibong ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Sabado, Mayo 25, sinabi raw ni Anjo na totoong inalok niya ng kasal si Sheryl pero hiwalay na raw sila nito nang makabuntis siya.

“Wala na kami noong nakipag-cool off ako sa kanya, pero hindi ko alam kung nagpunta siya sa Amerika. Basta ang alam ko, no’ng meron akong bagong girlfriend, wala na kami ni Sheryl,” lahad ni Anjo. 

“Hindi ko alam kung nagpunta siya sa States dahil masama ang loob niya dahil nga may girlfriend na ako. Ang problema ko noon, nabuntis ko ang girlfriend ko, pero break na kami ni Sheryl,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Dagdag pa ni Anjo: “Siguro akala niya, no’ng nag-cool off kami dahil nakabuntis ako. Siyempre, nakabuntis ako, pananagutan ko. At baka masakit sa kanya [Sheryl] ‘yon."

Matatandaang inilahad ni Sheryl sa isang episode ng “Fast Talk” na tinanggap niya raw ang alok na kasal ni Anjo pero hindi natuloy dahil nalaman niyang nakabuntis ang huli. 

MAKI-BALITA: Anjo Yllana, nakabuntis; kasal noon kay Sheryl Cruz, ‘di natuloy