Nagbigay ng payo ang psychic na si Rudy Baldwin kay “Queen of All Media” Kris Aquino na kasalukuyang humaharap sa malubhang karamdaman.

Sa latest episode kasi ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan, naitanong niya Rudy kung ano ang bilin at nakikita nitong vision para sa Queen of All Media.

“Ang ma-aadvice ko lang sa kaniya, nothing bad kung you just look in the one side of the world. [...] I know, nagpagamot ka. Why [do] you just look in the one side? “ pahayag ni Rudy.

“What do you mean?” paniniyak ni Ogie.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“‘Yong parang ibig kong sabihin na minsan kapag nagkasakit tayo, ‘yong epekto ng sakit natin minsan hindi ‘yong doktor ang makakatulong. [...] Nothing bad naman na magpatingin ka lang,” saad ni Rudy.

“Who else? Faith healer?” usisa pa ng showbiz insider.

Pero sabi ni Rudy: “Hindi ko sinabing faith healer. Basta ano lang, how I wish na makita ko siya sa malapit. So, I can tell ‘o ano, dito lang, ganito lang ‘yan.’” 

Kaya apela niya sa publiko ay huwag naman daw sanang hilingin na pumanaw agad si Kris lalo na’t pinipilit nitong lumaban. Sa tingin niya rin kasi ay pag-asa raw itong gumaling.

Matatandaang kamakailan lang ay nagbigay ng bagong updates si Kris tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kalusugan niya sa pamamagitan ng Instagram post.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, nagbigay ng bagong updates sa autoimmune disease