Nakipag-ayos na raw ang Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi kay Ogie Diaz matapos niya umanong dedmahin ang showbiz insider sa set ng "FPJ’s Batang Quiapo."

Sa isang episode ng kasi ng “Showbiz Updates” ni Ogie kamakailan, sinabi niyang ikinatuwa raw niya ang paglalaan ni Ivana ng effort para makipagbati sa kaniya.

“Sabi ko nga sa kaniya: ‘Sobra kong na-appreciate ‘yong effort mo.You really get out of your way to reach out, sobrang appreciate ko ‘yong effort mo,’” kuwento ni Ogie.

“Kung naka-offend sa kaniya ‘yong mga naikuwento natin dito [Showbiz Update], ‘yong encounter ko sa kanya na hindi niya ako pinansin, okay na kami,” wika niya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Dagdag pa niya: “Sabi ko, ‘next time pag may concern ka o may concern ako magtawagan tayo.’ All’s well that ends well.”

Matatandaan kasing naging hot topic si Ivana sa isang episode ng naturang showbiz-oriented vlog ang pagkaka-link niya kay Bacolod City Mayor Albee Benitez.

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, nali-link kay Bacolod City Mayor Albee Benitez

Pumalag naman ang magkabilang panig para pabulaanan ang naturang isyu sa pamamagitan ng Facebook post noong Pebrero.

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, pumalag sa isyung umaaligid sa kaniya