Nagbigay ng paalala ang direktor na si Bobot Mortiz para sa mga interesadong sumali sa nalalapit na pagbabalik ng sketch comedy TV series na “Goin’ Bulilit.”

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Huwebes, Mayo 23, sinabi ni Bobot ang pinakamahalagang bagay na kailangan daw isaalang-alang sa pag-o-audition sa naturang sketch comedy.

“Ang pinaka-importante diyan is ‘yong mga bata gusto talagang mag-artista, hindi ‘yong  nanay ‘yong gustong mag-artista. Maraming gano’n, e. Minsan pinipilit nila ‘yong mga anak nila,” pahayag ni Bobot. 

“So ‘yong mga anak aral na aral ‘yong inaarte. Kasi ako gut feel, e, ‘yong tinitignan ko sila hindi ko kailangang makita silang umarte. Mas gusto ko ngang 'yong hindi marunong umarte e,” aniya.

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

Dagdag pa niya: “Marami kaming bata na magaling umarte pero hindi napipili kasi ano na, e, parang ang hirap nang turuan.”

Ibinahagi rin ni Bobot ang mga hinahanap daw niya sa mga auditionee. Ayon sa kaniya, gusto raw niya ng may timing sa comedy dahil kapag magaling daw magpatawa ay mahusay din sa drama.

Bukod pa rito, binanggit ng direktor na bagama’t isang kalamangan umano ng isang bata na marunong siyang sumayaw at kumanta, pinakamahalaga pa rin daw ang karisma.

Matatandaang inilabas na ng ABS-CBN ang detalye tungkol sa mga kailangang dalhin sa gaganaping audition sa darating na Sabado, Mayo 25.

MAKI-BALITA: Audition para sa bagong cast ng ‘Goin’ Bulilit,’ bukas na!

Samantala, makakasama naman ng mga matatanggap sa bagong casts ng “Goin’ Bulilit” ang “It’s Showtime” kids na sina Argus, Kulot, Jaze, Imogen at Kelsey.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime’ kids, pasok sa bagong casts ng ‘Goin’ Bulilit’