Bukod sa pagpapayo, naghayag din ng interes ang psychic na si Rudy Baldwin na matingnan ang kalagayan ni “Queen of All Media” Kris Aquino.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan, sinabi ni Rudy na nakikita raw niyang gagaling si Kris sa sakit nito.

“Gagaling ‘yan. Try lang niya [magpatingin]. ‘Wag niya akong bayaran. Kahit sampung piso lang. Kailangan kasi mayro’ng galing sa kaniya para ‘yong energy ko naman lalakas ako ulit,” saad ni Rudy.

“‘Yong sa kaniya kasi matrabaho ‘yan. Madali lang ‘yan. Para maniwala siya, may gagawin ako sa kaniya,” wika niya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Dagdag pa niya: “Papaharapin ko siya sa salamin. Mayroon lang siyang ihihilamos na tubig. Tumingin siya sa salamin, makikita niya kung sino ang gumawa sa kaniya.”

Matatandaang ilang beses nang nakakatanggap ng payo si Kris mula sa mga concerned netizen tungkol sa pagpapagamot sa albularyo.

MAKI-BALITA: Kris, baka nakulam daw; hinikayat na magpa-albularyo, pagamot sa faith healer

Pero ayon sa isang episode ng kaniyang showbiz-oriented vlog, ibinahagi ni Ogie ang nalaman niya mula sa kaniyang source na sa medical doctors daw muna magtitiwala si Kris.

MAKI-BALITA: Mungkahing pagpapa-albularyo, nakarating na kay Kris; anong sey niya?