Inilarawan ng “It’s Showtime” host na si Darren Espanto ang naging relasyon nila dati ni Kapuso star Kyline Alcantara.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila nitong Huwebes, Mayo 23, sinabi ni Darren na totoo raw ang pag-ibig nila sa isa’t isa kahit pareho pa silang bata noon.

“It was real naman, e. Parang kahit sabihin ng iba na puppy love, may love pa rin na nando’n. There was care and all of that. It just didn’t work out in the end,” pahayag ni Darren.

Dagdag pa niya: “Big factor din ’yung pagiging bata, like the stuff we fought over, very petty fights. Mga gano’n lang naman, e.” 

Relasyon at Hiwalayan

'Sky is the limit daw!' Madir na si Jackie, aprub kay Kyline para kay Kobe?

Pero sa kasalukuyan, okay na naman daw sila ngayon ni Kyline bagama’t inamin ni Darren na may panahong hindi raw sila nag-usap nito.

Matatandaang isiniwalat ni Darren ang relasyon nila ni Kyline sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong nakaraan buwan, Abril 15.

Ito ay matapos bumisita ni Kyline sa “It’s Showtime” at mapuna ni Kim Chiu na panay ang sulyap ni Darren sa Kapuso star habang nagpe-perform sa naturang noontime show. 

MAKI-BALITA: Darren, inamin ang relasyon nila ni Kyline: ‘Naging kami dati’

Naintriga tuloy ang mga tao lalo na nang bumaling si Kyline kay Darren at sabihin ang katagang “kasi nga” na naging dahilan para ireto sila sa isa’t isa. 

MAKI-BALITA: Sey ng kambal ni Carmina? Darren at Kyline, nirereto sa isa’t isa