Grabe na talaga ang "Black Rider" na si Kapuso action star Ruru Madrid ha!

Bukod kay Angeli Khang na gumaganap na Nimfa at tila nagsisilbing love interest na rin niya sa award-winning action-drama series, kasama rin sa cast ang "hardcore" adult-content star na si Salome Salvi o tinatawag sa palayaw na "SalSal."

Ibinahagi ni Salome sa kaniyang Facebook post ang larawan nila ni Ruru, na may caption mula sa kabanata 25 ng obra maestra at nobela ni Dr. Jose Rizal na "Noli Me Tangere."

"kabanata 25: elias at salome," caption dito ni Salome.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Sina Elias at Salome ay magkasintahang karakter sa Noli Me Tangere. Elias naman ang pangalan ng karakter ni Ruru sa sa BR.

Samantala, may kuhang larawan din sina Salome (Annabel) at Angeli (Nimfa).

Hindi tuloy maiwasan ng mga netizen na pagdiskitahan at buskahin si Ruru, at mensahe nila sa girlfriend nitong si Kapuso actress Bianca Umali, ay kabahan na raw ito.

"Magandang tandem yan magaling yan si salome"

"Bianca ano na kabahan ka na hahahaha."

"Abangan na lang namin upload n'yo..."

"Lakas naman ni Ruru hahaha."

"Mas magaling si Salome kaysa kay Angeli, solid 'yan eh hahaha."

Kamakailan lamang ay sumalang sa "Toni Talks" si Salome at dito ay inilahad niya kung paano siya napunta sa trabaho ng paggawa ng adult content, bagay na proud siya at hindi raw niya pinagsisisihan.

Samantala, sa isang panayam ay sinabi ni Bianca na hindi naman siya nagseselos sa tandem ngayon nina Ruru at Angeli.

MAKI-BALITA: Bianca Umali, ‘di nagseselos kay Angeli Khang

MAKI-BALITA: ‘Bianca, pakatatag daw!’ Unang bonding nina Ruru at Angeli, kiss agad