Kumakatok sa puso ng publiko ang PETA Asia, sa pamamagitan ng kanilang "Ampon Alaga" project, upang matulungan ang isang rescued stray dog na halos buto't balat na lamang subalit kakikitaan pa rin ng maamong mukha at "ngiti" sa mga labi.

Ayon sa Facebook post ng nabanggit na non-government organization o NGO, ang pangalan ng stray dog ay "Yuri" na may sakit na "Ehrlichia."

Ang Ehrlichia ay isang uri ng bacteria na nagdudulot ng sakit na tinatawag na ehrlichiosis. Ang mga bacteria na ito ay karaniwang nakukuha mula sa kagat ng infected na mga ticks o garapata. May ilang species ng Ehrlichia na nagiging sanhi ng iba't ibang uri ng ehrlichiosis sa mga tao at hayop.

Kung hindi agad naagapan, ang ehrlichiosis ay maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon, kaya't mahalaga ang maagap na pagpapagamot.

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

Apela ng NGO na matulungan ng mga netizen si Yuri upang tuluyan siyang maipagamot sa veterinary clinic.

"The way he smiles, despite his condition đŸ„ș💔," anila.

"Meet this brave survivor, Yuri, who was a struggling stray dog alone and vulnerable on the streets. He contracted Ehrlichia, a disease that can be fatal. Thankfully, we got Yuri in time and he is now in our care, undergoing treatment."

"Would you consider donating to help with Yuri’s recovery whether in cash or in kind? Yuri needs nutritious canned food, ongoing vet treatment, and a lot of love to make a full recovery. Your support can help transform his life!"

"Let’s give Yuri the second chance he deserves. Please donate if you can."

Mababasa rin sa post ang mga accounts na puwedeng pagpadalahan ng tulong-pinansyal.

Ang Ampon Alaga ay rescue at adoption project ng PETA Asia na nakabase sa Metro Manila.

Sa mga nais magpaabot ng tulong, makipag-ugnayan lamang sa kanilang FB page.