Matagumpay na naganap ang coronation night ng "Miss Universe Philippines 2024" nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 22, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, na nagluklok sa pambato ng Bulacan na si Chelsea Anne Manalo, professional model at certified pageant kontesera, bilang bagong MUPH.

Trending sa X ang "#MissUniversePhilippines2024" gayundin ang pangalan ng iba't ibang matunog na kandidata, na umpisa pa lamang ay "manok" na ng karamihan.

Dahil live show ito, natural lang ang iba't ibang "bloopers" na pinulutan na ng netizens sa social media, na simultaneous na nangyayari habang pinapanood ito.

Una na rito ay ang "pasigaw" at "pagalit" daw na delivery ng isa sa mga host nitong si Kapuso Star Alden Richards.

Events

Willie, todo-invite na sa Wil To Win: 'Kayo ang panalo dito!'

Pero mabuti na lang daw at ang taas ng energy ni Alden dahil marami na sa mga nanonood ang inaantok na.

Hindi ito ang unang beses na nadogshow si Alden, dahil sa inilabas na MUPH poster kung saan inannounce na isa siya sa mga host, maraming nagsabing parang anunsyo ng top agent ng isang insurance company ang datingan dito ng Kapuso Star.

MANI-BALITA: MUPH poster ni Alden bilang host, ‘pang-top agent’ datingan

Humaba ang programa dahil saksakan ng daming commercial loads kaya halos madaling-araw na natapos ito.

Hindi rin na-edit ang logo ng "CapCut" sa dulo ng advocacy video presentation na ikinakamot ng ulo ng mga netizen.

Photo courtesy: X

Kinaaliwan din ang naging hitsura ng itinanghal na Miss Universe Philippines 2024 na si Chelsea Anne Manalo mula sa Bulacan nang iputong na sa kaniya ni outgoing Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ang korona.

As usual, pinagkatuwaan ito sa social media ng netizens.

Hindi kasi nag-swak nang maigi sa kaniyang ulo ang Miss Universe PH crown kaya nagmukha raw siyang pinya. May mga nagsabi pang ang galing daw mag-balanse ni Chelsea dahil hindi ito nahulog mula sa kaniya ulo.

Sa mga sumunod na eksena ay naayos naman na ang korona sa kaniyang ulo.

Nag-react naman dit si Michelle sa pamamagitan ng X post.

“The crowning moment though 🙈”

“Ayan ❣️”

“At least I fixed it 😅🥹” aniya sa X posts.

MAKI-BALITA: Bagong MUPH 2024 pinagkatuwaan, magaling daw magbalanse

MAKI-BALITA: Bakit ‘dark horse’ ang bagong Miss Universe PH 2024 na si Chelsea Manalo?

Kung may ilang eksenang nakaaaliw, pinuri naman ng mga netizen si Kapuso actress Gabbi Garcia dahil sa mahusay niyang pagho-host ng event.

MAKI-BALITA: Gabbi Garcia, flinex ang sarili bilang Miss Universe candidate

Samantala, lalaban at kakatawanin ni Chelsea ang buong Pilipinas sa darating na Setyembre sa bansang Mexico.