Childhood dream daw ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na maging isang mayor.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality nitong Miyerkules, May 22, itinanong ni Senador Loren Legarda ang tungkol sa “childhood” ni Guo. Dahil kwestiyonable pa rin sa mga Senador ang pagkakakinlanlan ng alkalde.

National

'Teacher Rubilyn' ni Mayor Alice Guo, trending; hinahanap ng netizens

“Sino po ang nag-inspire sa inyo na tumakbo bilang mayor ng Bamban [Tarlac],” tanong ni Legarda.

“Sarili ko po. Childhood dream ko po. Gusto ko po mapakita sa tatay ko at gusto ko po maging proud po siya sa akin,” sagot ni Guo.

Dahil dito, dire-diretso muling nagtanong si Legarda kay Guo kung saan siya ipinanganak at iba pang detalye tungkol sa “childhood” niya.

Halos paulit-ulit na lahad ng alkalde na siya ay lumaki sa farm dahil itinago siya ng kaniyang ama. Kasama niya raw lumaki ang mga kasamahan niya sa farm at siya ay home-school lang. Ang teacher niya raw ay may ngalang “Teacher Rubilyn.”

Gayunman, hindi kumbinsido si Legarda dahil hindi raw siya naniniwalang hindi nito naaalala ang alinman sa memorya ng kabataan niya lalo’t 38-anyos pa lamang daw ang alkalde.

Nag-trending din nitong Miyerkules sa X si “Teacher Rubilyn.”

BASAHIN: ‘Teacher Rubilyn’ ni Mayor Alice Guo, trending; hinahanap ng netizens