Nakakaloka ang nangyari sa segment na "Karaokids" sa noontime show na "It's Showtime" matapos tawagin ni Vice Ganda ang isang babaeng nakaitim, nakasalamin, at kamukha raw ng kontrobersiyal na Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo na nakita niya malapit sa entablado ng kanilang studio.

"Gusto muna nating i-acknowledge ang presence... excuse me," ani Vice Ganda. Tinawag niya ang pangalan ng babae.

Nang hindi ito lumapit, si Vice Ganda na mismo ang lumapit sa kaniya.

"Mayor, thank you so much for gracing our show," aniya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Hindi siya 'yan!" kantiyaw naman ni Tyang Amy Perez at iba pang hosts.

"Buti na lang naalala mo ang daan papunta rito," natatawang sabi ni Vice. "Dito kasi siya nag-aral. Nasaan na si Teacher Rubilyn?"

"Hindi ko na po maalala," sakay naman ng babae.

Sundot pa ni Vice, "Saan ba talaga nakatira si Teacher Rubilyn?"

"Your honor, hindi ko na po maalala," sagot naman nito na ikinahiyaw naman ng madlang people sa studio.

Saad ni Vice, kanina pa raw siya nakatitig sa babae at iniisip niya kung saan ba niya nakita ito, hanggang sa mapagtanto niyang kahawig ito ng kontrobersiyal na mayor na iniimbestigahan ngayon sa Senado.

"Bigla ka na lang nandito ah, nag-chopper ka?" pahabol na hirit pa ng TV host na ikinatawa na lamang ng babae na isa sa mga staff ng noontime show.

Trending ngayon sa X ang pangalan ni Alice Guo at pinupulutan na rin sa iba't ibang X post ang clip nito.

MAKI-BALITA: ‘Teacher Rubilyn’ ni Mayor Alice Guo, trending; hinahanap ng netizens

MAKI-BALITA: Mayor Alice Guo, may ugnayan sa mga ‘kriminal’ – Hontiveros