Trending topic sa X (dating Twitter) ngayong Miyerkules, Mayo 22, ang umano’y guro ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na may ngalang “Teacher Rubilyn.”
Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ngayong Miyerkules, May 22, itinanong ni Senador Loren Legarda ang tungkol sa “childhood” ni Guo.
Hindi raw naniniwala si Legarda na naka-home school lang si Guo buong buhay niya.
Sinabi naman ni Guo na lumaki siya sa farm nila at siya ay tinuruan lamang ni “Teacher Rubilyn.”
Gayunman, hindi kumbinsido si Legarda dahil hindi raw siya naniniwalang hindi nito naaalala ang alinman sa kabataan niya lalo’t 38-anyos pa lamang daw ang alkalde.
Patuloy niyang idinidiin kay Guo na kumbinsihin sila sa mga impormasyong sinasabi niya.
Pero paulit-ulit namang binabanggit ng alkalde na lumaki siya sa farm nila at ang nagtuturo sa kaniya ay si “Teacher Rubilyn.”
Hinahanap tuloy ng netizens kung nasaan si Teacher Rubilyn.
"potanginang teacher rubilyn yan at lumaki ako sa farm hindi na natapos nkklk"
"Teacher Rubilyn, do you exist?"
"Fictional Character - Teacher Rubilyn"
"Hoaxed si teacher rubilyn. Utos ng abogado kahit magmukhang napakatanga na ni mayor Alice guo."
"PANAWAGAN: TEACHER RUBILYN! KUNG TAO KA MAN MAGPARAMDAM KA SA AMIN."
"Pati yung pangalan ni Teacher Rubilyn, tatak Pinoy Cinema. Hayup ka Alice Guo. Hahaha"
"Alam na natin ano pinapanuod sa kanyang teleserye ni Teacher Rubilyn"
"Mukhang na-orient na sya ni teacher Rubilyn ahhh saka Yong dating admin na tumulong sa knya? Meron na po kasi syang naalala!"
"Ipatawag sa senate hearing si Teacher Rubilyn"
"Hanapin si teacher Rubilyn and ask her to attend thw hearing"
"Sa lahat ng pwede nya maalala si. Teacher rubilyn. Lang ang naalala nya"