Nagbigay ng reaksiyon ang GMA headwriter na si Suzette Doctolero sa naging pahayag ng Kapamilya actress na si Loisa Andalio kaugnay ng pananaw niya tungkol sa solo traveling o paglalakbay at pamamasyal nang nag-iisa.

Para kasi sa ibang tao, umuubra ang solo traveling lalo na't nagiging "therapeutic" ito para sa kanila, pero para kay Loisa, hindi ito para sa kaniya at hindi raw niya maintindihan ang mga taong gumagawa nito.

"Siyempre mas naa-appreciate natin 'yong napupuntahan natin kapag mahal natin 'yong kasama natin. Gumaganda rin 'yong view dahil sa kasama natin," ani Loisa.

"Minsan kasi, ang ano lang, hindi ko maintindihan 'yong mga tao na nagsosolo travel— parang ang lungkot. Kasi, sino 'yong kabatuhan mo na 'Ang ganda ng view'? Grabe 'yong pinagdadaanan talaga siguro nila para gusto nilang magiging solo na lang," paliwanag pa niya.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

MAKI-BALITA: Netizens, nag-react sa pananaw ni Loisa Andalio tungkol solo travel

Ibinahagi naman ni Doctolero ang isang ulat ng lokal na pahayagan online patungkol at kinomentuhan.

"Ay, mahina ka palang nilalang, e! Char! 🤣" aniya.

Hindi naman tinukoy ni Doctolero kung sino ang "mahinang nilalang." Kung si Loisa ba, o ang sinasabi ni Loisa na mga taong nagsosolo travel.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyn o pahayag si Loisa patungkol sa reaksiyon ng mga netizen at maging ni Suzette tungkol sa kaniyang naging pananaw.