Binakbakan ng mga netizen ang isang eksena ni Vivamax sexy actress Angeli Khang sa action-drama series na “Black Rider” ng GMA Network.

Sa isa kasing video teaser na ibinahagi ng GMA Public Affairs sa X (dating Twitter) nitong Lunes, Mayo 20, matutunghayan ang maaksyong eksena ni Angeli habang sakay sa motorsiklo ng lead star ng serye na si Ruru Madrid.

Pero tila hindi natural ang biglang pagtalon ni Angeli sa motor dahil mas mukha siyang lumipad nang pinapaba siya mula roon ni Ruru.

Umani tuloy ng mga negatibong reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video teaser. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

"Hahahahahahhaahhahahahaahahahahahhahahahah sorry ha nakakatawa kasi yung talon ni ate mo at paglipad ng motor 😭"

"Hahahaha hahaha 🤣 ang pangit ng talon. Mgpalit kyo ng stunt director ang unnatural ng mga galawan muntanga lng"

"Seriously??? GMA Public Affairs????? Wala bang makuhang editor or stuntman para gawin ng maayos ito??? Sana nilagyan niyo na ng special effect na nahati katawan ni merli at naging manananggal sa tangaling tapat"

"Yawa hinangin ba si anteh oh hinigop bigla??🤣🤣🤣 ano yun? Tatalon lang ano-ano pa ginawa 😂"

"Lumipad ang puta! Hahaha"

"Delete niyo na to GMA nakakahiya na kapagod na ipagtanggol hahaha"

"Bakit ganun ang talon nya? Parang syang hinablot. Parang grasshopper ba hehe"

"Hahahhaa mukang tanga action scenes niyo huy"

Matatandaang kamakailan lang ay naiulat ang tungkol sa pagsabak ni Angeli sa mga maaaksyong eksena sa “Black Rider.” 

Samantala sa isang hiwalay na panayam ay sinabi naman niya na bagama’t nakakapagod umano ang pakikipagbakbakan ay hindi na siya bago sa ganitong bagay dahil isa siya taekwondo player.

MAKI-BALITA: ‘Masarap sa feeling!’ Angeli Khang, hahawak na ng baril sa Black Rider

MAKI-BALITA: Kahit nakakapagod: Angeli Khang, sanay na sa bakbakan