Sa halip na pera, kotse, bahay at lupa, o kaya naman ay mamahaling gadgets, isang pares ng tsinelas ang regalo ng award-winning journalist na si Korina Sanchez nang sadyain niya at itampok sa show na "Rated Korina" ang sikat na social media personality at paresan owner na si Diwata.

"He gave me his phenom pares dish. So I gave him a pares ng tsinelas😂," ani Korina na kilala sa kaniyang adbokasiya sa pagbibigay ng tsinelas sa mga nangangailangan nito.

"Diwata is currently a hot bowl of talk of the town and is viral because of his rise from the ashes to pares stardom."

"Yes 'siken' is chicken. And his pares sauce with crunchy chicharon bulaklak + lechon kawali (instead of beef) w unli rice and soda for P100 —- is where hundreds of pilgrims a day line up for," pahayag pa ni Koring.

Matapos makaharap si Marian: Sassa Gurl, na-realize 'di siya perpektong tao

Mapapanood ang kabuuan ng panayam ni Korina kay Diwata sa nabanggit na programa.