Tila muling nang-asar kay Cristy Fermin si Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda sa "EXpecially For You" ng noontime show.

Nagkakaasaran sila ng co-host na si Jhong Hilario nang ma-brought up niya ang tungkol sa mga babae. Sinabi kasi ng lalaking bisita nila na para sa kaniya, ang mga babae raw ang dapat magdesisyon kung ipagpapatuloy o tutuldukan na ba ang isang relasyon.

"Iyon ang laging sinasabi ng mga lalaki, 'Ikaw, kung anong gusto mo.’ Pero ang totoo, gusto rin naman talaga nila ‘yon para hindi sila magmukhang kalaban, para hindi magmukhang sa inyo naman talaga galing ‘yong dahilan kung bakit naghiwalay, para nasa amin ‘yung guilt,” sey ni Vice Ganda.

"Ganiyan naman kasi kayong mga babae…" reaksiyon sana ni Jhong subalit bigla siyang siningitan ni Vice Ganda.

Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

"Bakla ako, bakla! Wag mong sasabihin ‘yan, magagalit si Cristy Fermin!" dagdag ng komedyante na ikinahiyaw naman ng madlang people.

"Hindi ka babae, Vice Ganda!’ sabi niya—bwak bwak bwak bwak bwak."

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nagpasaring si Vice kay Cristy na bumabanat sa kaniya sa online show nitong "Cristy Ferminute" at "Showbiz Now Na."

Sa kasagsagan ng pagsasampa ng cyber libel case nina Bea Alonzo at mag-asawang Sharon Cuneta at Atty. Kiko Pangilinan kay Cristy ay nagpasaring din si Vice na marami raw gusto ipagawa sa kaniya ang netizens gaya ng paggawa ng Asoka Challenge entry, Piliin Mo Ang Pilipinas challenge entry, at "magdemanda."

Noong Nobyembre naman, sinabihan niya ang isang contestant na may pangalang "Cristy" na "Anong pinagkakaabalahan mo, Cristy, bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan?"

MAKI-BALITA: Pang-asar kay Cristy? Vice Ganda kay Jhong, ‘Tandaan mo lalaki ka, hindi ka babae!’

Bilang tugon sa naging patutsada sa kaniya, dito na lumabas ang naging pahayag ni Cristy tungkol sa pagiging "lalaki" pa rin daw ni Vice Ganda, noong Nobyembre 24, 2023 sa kaniyang online radio program na "Cristy Ferminute."

"Vice Ganda, hindi ka tunay na babae. Lalaki ka. Lalaki ka, Vice Ganda, nagpapanggap ka lang na babae!" anang showbiz columnist.

MAKI-BALITA: Cristy Fermin kay Vice Ganda: ‘Hindi ka tunay na babae’