Usap-usapan ang pag-post ng Viva film producer at writer na si Iris Lee sa larawan nila ng "special someone" na si Kapuso actor-director Xian Lim habang sila ay nasa France para sa Cannes Film Festival.

Sa tatlong larawang ipinost ni Iris ay makikita sa pangatlo ang tila paglalakad nila ni Xian na nakaakbay sa kaniya habang magkasukob sila sa payong.

Isang black heart at film emoji ang tanging caption ng post na ito at kapansin-pansing nakalimit lamang ang puwedeng mag-iwan ng komento rito.

Isa sa mga celebrity na nagkomento rito ay si Mercedes Cabral na pinanggigigilan ngayon dahil sa role na kabit na pulis sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo."

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

View this post on Instagram

A post shared by Iris Lee (@iris.lee)

Kamakailan lamang ay inamin ni Xian sa isang panayam na may espesyal na silang pagtitinginan ni Iris.

Pinabulaanan din ni Xian na si Iris ay third party sa naging hiwalayan nila ng Kapamilya star na si Kim Chiu, at hindi rin totoo ang mga kumalat na tsikang nag-break sila matapos niyang magpaluto at kumain ng steak.

MAKI-BALITA: Xian, itinangging nagpaluto muna ng steak kay Kim bago nakipaghiwalay