Ipinasilip ng Kapuso star na si Gabbi Garcia ang bersyon ng sarili niya kung sakaling maging kandidata siya sa Miss Universe.

Sa latest Instagram post kasi ni Gabbi nitong Martes, Mayo 21, ibinahagi niya ang isang edited video kung saan matutunghayan ang kaniyang pagrampa habang suot ang iba’t ibang outfit.

“Charot! Next time na ‘yan. Host lang ako. See you tomorrow, Miss Universe Philippines!” saad niya sa huling bahagi ng video.

Hindi naman ito imposibleng mangyari dahil kung tutuusin ay parang pinagbiyak na bunga sila ni Miss Universe 2023 Michelle Dee, na siyang magpapasa ng korona sa tatanghaling Miss Universe 2024.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Anyway, isa si Gabbi sa mga magsisilbing host sa coronation night ng naturang pageant na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena ngayong Miyerkules, Mayo 22.

Makakasama ring mag-host ni Gabbi sa coronation night sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, Tim Yap, Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel, at Jeannie Mai.

MAKI-BALITA: MUPH poster ni Alden bilang host, ‘pang-top agent’ datingan