Bubuksan na ng ABS-CBN ang audition para sa mga bagong cast ng sketch comedy TV series na “Goin’ Bulilit.”

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Mayo 21, malapit na raw kasing bumalik ang “Goin’ Bulilit” sa TV.

"Lakas maka-GV kasi going back na sa TV ang 'Goin' Bulilit' very soon," saad sa anunsiyo ng ABS-CBN.

Gaganapin daw ang naturang audition ng mga bagong cast sa ABS-CBN Audience entrance sa darating na Sabado, Mayo 25, mula 9:00 am hanggang 4:00 pm.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Inaanyayahan ang mga batang nasa edad 5 hanggang 10 na magdala ng profile portfolio na may kasamang close-up at whole body printed photos. Nakahanda rin dapat silang sumayaw, umarte, kumanta, at mag-joke. 

Samantala, wala pa namang inilalabas na detalye ang ABS-CBN hinggil sa kung kailan muling mapapanood sa TV ang naturang sketch comedy.